Donnalyn Bartolome, napa ‘now that’s a man’ matapos aminin ni JM na plano siya nitong pakasalan
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-10-06 00:00:10
MANILA — Isang nakakakilig at inspiradong rebelasyon ang ibinahagi ni Donnalyn Bartolome sa kanyang Instagram, kung saan ipinakita niya ang pagiging seryoso ni JM de Guzman sa kanilang relasyon.
Sa kanyang viral post, sinabi ni Donnalyn na mahalagang pumili ng “a good man with a plan” — isang lalaki na may malinaw na direksyon at paninindigan sa buhay. Ikinuwento rin niya kung paano nagsimula si JM na tawagin siyang “his wife” pa noong 2023, kahit hindi pa niya ito sinasagot noon. Ang tiyaga ni JM sa panliligaw ay umabot pa ng isang taon bago siya tuluyang sinagot ni Donnalyn — bagay na kiniligang sobra ng mga netizens.
Isa sa mga pinakatampok na bahagi ng post ay ang screenshot ng kanilang text conversation, kung saan tinanong ni Donnalyn si JM tungkol sa kanilang status. Agad itong sinagot ni JM ng diretsahan:
“Nope. I plan to marry you baby.”
Ito ang naging dahilan kung bakit sinabi ni Donnalyn ang matamis na linyang:
“The Plan. Now that’s a MAN!”
Ayon pa kay Donnalyn, nais sana niyang manatiling private ang kanilang relasyon, ngunit si JM mismo ang mas gustong ipakita ito sa publiko.
“Sabi ko, wag na lang naming gawing public, private relationship na lang — AYAW NIYA. Kaya kahit I don’t normally publicize my relationship, I did. I followed his lead,” ani Donnalyn.
Tinapos niya ang post sa isang taos-pusong mensahe para kay JM:
“To my Juan Miguel, you’re auditioning for one of, if not, the most important role of your life — to be a husband. God bless a faithful man. Thy will be done.”
Maraming netizens ang natuwa at naantig sa tagpong ito, na itinuturing nilang patunay ng tunay na pag-ibig at paninindigan sa panahon ng mga panandaliang relasyon. (Larawan: Donnalyn / Facebook)