Diskurso PH
Translate the website into your language:

Good news! Oplan palit plaka, inilunsad ng LTO-NCR

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-08-01 10:29:16 Good news! Oplan palit plaka, inilunsad ng LTO-NCR

Isinagawa kamakailan ng Land Transportation Office - National Capital Region (LTO-NCR) ang programang “OPLAN PALIT PLAKA” upang mapabilis ang pamamahagi ng mga bagong plaka sa mga motorsiklo, palitan ang mga lumang format, at maibigay ang mga actual plate na matagal nang hinihintay ng mga motorista.

Layunin ng OPLAN PALIT PLAKA:

  • Palitan ang lumang plaka ng bagong 7-character format.

  • Maglabas ng actual plates para sa mga motorsiklong rehistrado ngunit wala pang pisikal na plaka.

  • Pabilisin ang distribusyon ng mga plaka sa buong NCR.

LIBRE ITO — Walang Bayad!

Walang kailangang bayaran ang mga motorista. Kailangan lamang ay makipag-ugnayan sa pinakamalapit na LTO District o Extension Office upang mag-request ng plaka.

Sino ang Kwalipikado?

  1. Mga motorsiklong may naka-assign o nabigyan ng 7-character plate number.

  2. Mga motorsiklong wala pang actual plate at na-rehistro noong taong 2017 pababa.

Paalala:

  • Tanging mga motorsiklong may NCR MV File Number at updated na rehistro ang maaaring makinabang sa programang ito.

  • Hindi kabilang dito ang mga motorsiklo mula sa labas ng NCR.

Para sa karagdagang impormasyon:

Bumisita o tumawag sa inyong LTO District o Extension Office upang alamin kung available na ang inyong plaka.

Isang paalala mula sa LTO-NCR: Ipagbigay-alam ito sa mga kapwa motorista. Ang ligtas, maayos, at legal na pagmamaneho ay nagsisimula sa tamang dokumento — kabilang na ang tamang plaka.


(Source of Photo and News: LTO NCR)