Klase sa ilang bayan sa Albay suspendido sa Lunes, Setyembre 1, 2025 dahil sa masamang panahon
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-01 00:01:37
ALBAY — Suspendido ang pasok sa ilang bayan at lungsod sa lalawigan ng Albay sa darating na Lunes, Setyembre 1, 2025 dahil sa masamang panahon.
Batay sa anunsyo mula sa mga lokal na pamahalaan, kabilang sa mga lugar na nagkansela ng klase ay ang mga sumusunod:
Bacacay – walang face-to-face classes, lahat ng antas
Libon – walang face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pribado
Malilipot – lahat ng antas
Malinao – lahat ng antas, pampubliko at pribado
Oas – lahat ng antas, pampubliko at pribado
Pio Duran – lahat ng antas, pampubliko at pribado
Polangui – walang face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pribado
Sto. Domingo – lahat ng antas, pampubliko at pribado
Tabaco City – walang face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko at pribado
Ang suspensyon ng klase ay ipinatupad bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral at guro bunsod ng banta ng malakas na ulan at posibleng pagbaha.
Pinapayuhan naman ang publiko na patuloy na mag-monitor sa mga opisyal na social media page ng kani-kanilang lokal na pamahalaan at ng Department of Education (DepEd) para sa mga karagdagang anunsyo. (Larawan: Albay Provincial Information Office / Fb)