Diskurso PH
Translate the website into your language:

Manila Police District, nakatanggap ng 30 na bagong Yamaha Nmax at iba pang sasakyan mula sa samahan ng mga Filipino-Chinese (FFCCCII)

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-16 00:16:58 Manila Police District, nakatanggap ng 30 na bagong Yamaha Nmax at iba pang sasakyan mula sa samahan ng mga Filipino-Chinese (FFCCCII)

MANILA — Mas mapapabilis na ang aksyon ng Manila Police District (MPD) laban sa kriminalidad matapos tumanggap ng 30 Yamaha NMAX mula sa Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII).

Ngayong araw, personal na tinanggap ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang donasyon mula kay FFCCCII President Victor Lim at iba pang opisyal ng organisasyon.

“Itong mga NMAX ay ilalaan natin sa Manila Police District. Kaya sa mga nagra-riding in tandem, mas mabilis na ang motorsiklo ng pulis kaysa sa inyo. Sana huwag na nilang gawin dito sa Maynila. Your Manila Police District is ready,” ani Mayor Isko.

Ayon sa alkalde, malaking tulong ang donasyong ito upang mas maging visible at mabilis rumesponde ang mga pulis, lalo na sa mga insidente ng riding-in-tandem na madalas sangkot sa krimen.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Mayor Isko sa FFCCCII at sa iba pang pribadong sektor na patuloy na sumusuporta sa mga inisyatiba ng pamahalaang lungsod para sa kaligtasan at kapayapaan ng mga Manileño. (Larawan: Manila PIO / Fb)