Diskurso PH
Translate the website into your language:

Vera Files Report nagbunyag: Sarah Discaya British citizen

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-09-03 09:42:30 Vera Files Report nagbunyag: Sarah Discaya British citizen

September 3,2025 — Isang Europe-based journalist mula sa VERA Files ang naglabas ng ulat na nagsasabing si Cezarah Rowena “Sarah” Discaya, kontrobersyal na kontratista at mayoral aspirant sa Pasig City, ay isang British citizen mula pa sa kanyang kapanganakan.

Sa isang commentary piece na pinamagatang “Untold Secrets of the Discayas” na isinulat ni Antonio Montalvan II, ibinunyag na si Discaya at ang kanyang kapatid na si Liza Cruz Castillo ay isinilang sa London sa isang Filipinang kasambahay. Ayon sa artikulo, “Discaya and her sister Liza are British nationals by birth, born in London to a Filipina domestic worker.” Dagdag pa rito, ginamit nila ang apelyidong “Cruz” mula sa Pilipinong lalaking pinakasalan ng kanilang ina kalaunan.

Ikinuwento rin ni Montalvan na noong umuwi sa Pilipinas ang magkapatid noong early 2000s, si Sarah at ang kanyang asawang si Pacifico “Curlee” Discaya ay walang trabaho. Lumapit umano si Sarah sa kanyang tiyuhin, si dating Pasig Mayor Vicente “Enteng” Eusebio, na half-brother ng kanyang ina. “The mayor’s offer was very generous: He gave them all the construction projects in Pasig,” ani Montalvan.

Binanggit din sa ulat na posibleng ginamit ang koneksyon sa pamilya Eusebio upang makakuha ng malalaking kontrata sa lokal na pamahalaan. “Where did the capital come from? Certainly not from the jobless Discayas. Eusebio himself could have provided the capital from ill-gotten government money,” dagdag pa ng mamamahayag.

Nagpahayag ng pangamba si Montalvan na maaaring gamitin ng magkapatid ang kanilang British citizenship upang makaiwas sa pananagutan sa mga kontrobersiyal na proyekto, kabilang ang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). “With all their government-funded wealth, the Cruz sisters can easily take flight as British citizens,” giit niya. “Is the government acting now to prevent another miscarriage of accountability?”

Samantala, tumanggi si Discaya na magbigay ng pahayag sa isyu ng kanyang citizenship at sa umano’y puhunan mula kay Eusebio, ayon sa ulat ng Bilyonaryo News Channel.

Ang kampo ni Discaya ay naglabas ng paglilinaw sa pamamagitan ng kanyang legal counsel, na nagsasabing walang nilabag na batas si Discaya kaugnay ng kanyang British passport. “There is no basis for any disqualification case against her,” ayon sa abogado.

Habang patuloy ang pagbusisi sa kanyang legal na katayuan, nananatiling sentro ng usapin si Discaya sa mga isyung may kinalaman sa pamahalaan, negosyo, at politika sa Pasig.

Larawan mula sa Korina Interview