Diskurso PH
Translate the website into your language:

Tingnan: ‘Super beaver moon’, nasilayan ngayong gabi

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-06 00:11:14 Tingnan: ‘Super beaver moon’, nasilayan ngayong gabi

MANILA, Philippines — Ihanda na ang inyong mga kamera at mata sa langit ngayong gabi dahil masasaksihan ang Super Beaver Moon — ang pinakamalaki at pinakamaliwanag na full moon ng taong 2025!

Tinawag itong Super Moon dahil kasabay ng pagiging full moon ay malapit din ito sa perigee, o ang pinakamalapit na distansya ng Buwan sa Daigdig. Dahil dito, mas magiging 14% na mas malaki at 30% na mas maliwanag ito kumpara sa karaniwang full moon.

Ayon sa mga astronomer, ang Beaver Moon ang tawag ng mga katutubong tribo sa Hilagang Amerika sa buwan ng Nobyembre, dahil ito ang panahong aktibo ang mga beaver sa paghahanda ng kanilang mga dam bago dumating ang taglamig.

Pinapayuhan ang publiko na samantalahin ang pambihirang tanawin na ito — maaaring obserbahan gamit lamang ang mata o kahit sa pamamagitan ng cellphone camera.

Huwag palampasin ang pagkakataon, dahil hindi na muling magiging ganito kaliwanag ang Buwan hanggang sa susunod na taon! (Larawan: Yahoo / Google)