Diskurso PH
Translate the website into your language:

Matatag na Ugnayan ng Maynila at Russia: Ambassador ng Russian Federation to the Philippines, bumisita kay Mayor Isko

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-06 00:01:27 Matatag na Ugnayan ng Maynila at Russia: Ambassador ng Russian Federation to the Philippines, bumisita kay Mayor Isko

MANILA, Philippines — Patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at ng City Government of Moscow ang kanilang ugnayan, kasunod ng pagbisita ni His Excellency Marat Ignatyevich Pavlov, Ambassador ng Russian Federation to the Philippines, kay Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso.

Sa naturang pagbisita, tinalakay ng dalawang opisyal ang mga plano para sa partnership at cooperation projects sa susunod na tatlong taon, kabilang ang mga aktibidad para sa ika-50 anibersaryo ng Philippines–Russia diplomatic relations sa taong 2026. Layunin ng mga ito na higit pang palalimin ang pagkakaibigan at ugnayang diplomatiko ng dalawang bansa.

Bilang pagkilala sa mga inisyatiba ng Maynila sa larangan ng internasyonal na pakikipag-ugnayan at kaunlaran, inimbitahan si Mayor Isko Moreno na dumalo sa nalalapit na Economic Forum sa Moscow.

Ayon sa alkalde, ang ganitong uri ng pakikipag-ugnayan ay patunay na bukas ang Lungsod ng Maynila sa internasyonal na kolaborasyon upang maisulong ang pag-unlad, turismo, at investment opportunities para sa mga Manileño.

“Ang ating layunin ay isang Maynila na konektado sa mundo — bukas sa progreso, bukas sa pagkakaibigan,” ani Moreno. (Larawan: Manila PIO / Facebook)