Diskurso PH
Translate the website into your language:

Tingnan: Lungsod ng Maynila, nag-abot ng ₱1 milyon tulong sa Cebu

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-11-05 23:46:16 Tingnan: Lungsod ng Maynila, nag-abot ng ₱1 milyon tulong sa Cebu

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng ₱1 milyon ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila, sa pangunguna ni Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, bilang tulong sa mga mamamayan ng Cebu na matinding nasalanta ng Bagyong Tino.

Sa kanyang Facebook Live address nitong Miyerkules, Nobyembre 5, nagpahayag ng pakikiramay si Domagoso sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay. Ayon sa NDRRMC, umabot na sa 66 ang nasawi, 10 ang sugatan, at 26 ang nawawala sa Visayas at Mindanao — kung saan 49 ang mula sa Cebu dahil sa pagbaha, pagguho ng lupa, at mga bumagsak na debris.

“Nakakalungkot, sa Cebu, hindi pa sila nakakabangon sa lindol, ngayon naman ay hinambalos ng bagyo,” ani Domagoso.

Binigyang-diin ni Cebu Governor Pamela “Pam” Baricuatro na mas matindi pa umano ang pagbuhos ng ulan ni Tino kumpara kay Odette, dahilan ng biglaang pagtaas ng baha.

Nanawagan din si “Yorme” sa mga negosyante, grupo, at mamamayan — maging sa mga OFW — na tumulong sa abot ng makakaya.
“Wala pong maliit o malaking tulong. Ang bawat kabutihan ay mahalaga,” aniya.

“Prayers will help. Your cash will help. Tulungan natin ang ating mga kababayan sa Cebu,” pagtatapos ni Domagoso. (Larawan: Manila PIO / Facebook)