Diskurso PH
Translate the website into your language:

Marcos: independent commission sa flood projects, bawal ang pulitiko!

Marijo Farah A. BenitezIpinost noong 2025-09-10 16:35:32 Marcos: independent commission sa flood projects, bawal ang pulitiko!

SETYEMBRE 10, 2025 — Walang puwang ang mga pulitiko sa bubuuing komisyon na tututok sa mga iregularidad sa mga proyekto sa flood control, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam habang nasa Cambodia, iginiit ng Pangulo ang pagiging malaya ng nasabing komisyon. 

“We have made very sure that they are in fact independent, truly independent. So, walang pulitiko diyan … Puro imbestigador, abogado … aniya. “It's a technical —, it's a technical exercise.” 

Inihayag din ni Marcos na ilalabas sa loob ng 48 oras ang detalye ng kapangyarihan at komposisyon ng komisyon. May mungkahing bigyan ito ng contempt powers bukod sa subpoena powers.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na maglalabas siya ng executive order para buuin ang komisyon na mag-iimbestiga sa mga proyektong flood control na umano’y mababa ang kalidad o hindi talaga umiiral.

Layon ng hakbang na ito na linisin ang sistema at panagutin ang mga nasa likod ng mga proyektong hindi nakatulong sa pag-iwas sa pagbaha.

(Larawan: Philippine News Agency)