Buhawi nanalasa sa Brgy. Magang, Daet; isang Senior Citizen at 13-anyos na pamangkin, nasawi
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-09-14 13:04:02
Daet, Camarines Norte — Isang buhawi ang nanalasa sa Barangay Magang, Daet, alas-6 ng umaga ngayong Linggo, Setyembre 14, 2025, na nagdulot ng malawakang pinsala at nagtamo ng trahedya: isang senior citizen babae ang namatay kasama ang kanyang 13 anyos na pamangkin lalaki, di mumanoy nadaganan ng malaking puno kung saan ang biktima ay nagkukubli.
Nahirapan ang autodiridad sa retrieval ng mga nasawi dahil sa laki ng punong kahoy tumumba sa kanilang bahay. Umaabot ng higit dalawang oras bago maalis ang kanilang katawan sa ilalim ng malaking puno.
Ayon sa mga residente ng barangay, bandang alas 6 ng umaga, isang malakas na tunog ang kanilang narinig , nagtutuklapan ang mga bubong sa tindi ng hangin at maya maya ay nagtumbahan na ang mga malalaking punong kahoy at saging sa kanilang lugar.
Patuloy pa rin ang clearing operation ng atoridad para madaanan ng motorista ang kalsadang nag uugnay sa Lorenzo at Daet.
Ang pagbabago ng panahon at posibleng malalakas na hangin ay naka-ambag sa biglaang paglitaw ng pananalasa ng buhawi.
Sa katunayan, may pagtatala na ang PAGASA ng mga low pressure area sa rehiyon ng Camarines Norte, at ang mga ganitong weather disturbance ay maaaring makapagdulot ng malakas na hangin, biglaang pag-ulan, at pana-panahong lokal na pananalasa ng buhawi o “tornadoes.
Ang pangyayaring ito sa Brgy. Magang ay paalala ng kahinaan ng ilang komunidad sa biglaang panganib ng kalikasan—lalo na ang mga barangay na mababa ang elevasyon, malapit sa mga ilog o creek, at maaaring maging apat ng biglaang pagbagyo sa panahon ng malalakas na hangin at ulan.
larawan/facebook