Diskurso PH
Translate the website into your language:

23-anyos na lalaking suspek sa pagpatay sa kanyang sariling mga magulang at isang kapatid gamit ang maso, arestado!

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-17 01:23:59 23-anyos na lalaking suspek sa pagpatay sa kanyang sariling mga magulang at isang kapatid gamit ang maso, arestado!

BUKIDNON Arestado ang isang 23-anyos na lalaki sa Malaybalay City, Bukidnon, matapos siyang iturong pangunahing suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa kanyang sariling mga magulang at kapatid gamit ang maso noong Mayo.

Batay sa ulat, nahuli ang suspek noong nakaraang Biyernes sa bisa ng warrant of arrest. Ayon sa imbestigasyon, paulit-ulit na pinukpok ng suspek ng maso ang kanyang ama, ina, at isang kapatid sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Bagama’t mariing itinanggi ng suspek ang mga paratang, iginiit ng pulisya na matibay ang ebidensyang hawak laban sa kanya. Kabilang dito ang forensic evidence mula sa crime scene at higit sa lahat, ang testimonya ng dalawa pang kapatid na nakaligtas at nakasaksi mismo sa pag-atake.

Lumabas sa imbestigasyon na ang motibo ng krimen ay nagsimula umano sa isang mainit na pagtatalo ng suspek at ng kanyang mga magulang, matapos sabihin ng mga ito na hindi siya makakagradweyt. Ang alitan ay nauwi sa marahas na insidente na kumitil ng tatlong buhay.

Kasalukuyang sinasailalim ang suspek sa mandatory drug test upang malaman kung may kaugnayan sa insidente ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Nahaharap siya sa kasong parricide para sa pagpatay sa kanyang mga magulang at murder para sa kanyang kapatid.

Hindi pa inilalantad ng awtoridad ang pangalan ng mga biktima at ng suspek bilang bahagi ng imbestigasyon. Samantala, nakahinga ng kaunti ang komunidad at ang mga naulilang kaanak matapos ang pagkakaaresto, bagama’t nananatiling mabigat ang sugat na iniwan ng trahedya.

Itinuturing ng mga awtoridad ang insidenteng ito bilang malagim na paalala sa kahalagahan ng pagtutok sa mga suliraning pampamilya at kalusugang pangkaisipan, upang maiwasan ang mga trahedyang dulot ng matinding galit at hindi pagkakaunawaan. (Larawan: Google)