Diskurso PH
Translate the website into your language:

Bagong silang na sanggol na tinangkang dukutin, matagumpay na nabawi ng mga pulis sa Pangasinan

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-17 01:55:56 Bagong silang na sanggol na tinangkang dukutin, matagumpay na nabawi ng mga pulis sa Pangasinan

DAGUPAN CITY – Ligtas nang naibalik sa kanyang pamilya ang bagong silang na sanggol na dinukot mula sa Lingayen District Hospital sa Pangasinan matapos itong isuko ng mismong suspek noong Martes.

Ayon kay Edmar Carpio, pinsan ng bata at siyang nag-post tungkol sa insidente sa social media, mismong ang dumukot ang nakipag-ugnayan sa kanya.
“She contacted me and said she was the one who wore a scrub suit and took the baby from his mother. She said someone allegedly asked her to do it for ₱5,000,” ani Carpio sa panayam ng Aksyon Radyo Pangasinan.

Dagdag niya, binanggit ng suspek na nakonsensya ito at nais nang ibalik ang sanggol nang hindi idinadaan sa pulisya. Gayunman, palihim na nakipag-ugnayan si Carpio sa mga awtoridad bago sila nagkita. Sa mismong araw, naibalik ang bata at agad na inaresto ang suspek.

“We totally entrust the investigation to the police,” dagdag ni Carpio.

Sa isang press conference, sinabi ni Police Lt. Col. Junmar Gonzales, officer-in-charge ng Lingayen Police Station, na patuloy nilang kinokonsolida ang mga ebidensya laban sa suspek.

Samantala, tiniyak ni Gov. Ramon Guico III na paiigtingin ang seguridad sa 14 na ospital na pinatatakbo ng probinsya upang maiwasan ang katulad na insidente.
“We will have a standard procedure, and we will beef up security. We will add more closed-circuit television cameras in all hospitals and will issue an order for all of us to be conscious of this crime,” pahayag ni Guico.

Dagdag pa niya, mas magiging mahigpit ang patakaran sa pagbisita at pagpasok sa mga ospital bilang bahagi ng mga bagong seguridad na ipatutupad. (Larawan: Province of Pangasinan / Fb)