Diskurso PH
Translate the website into your language:

Lalaki, patay sa pamamaril sa Lucena City

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-20 23:54:17 Lalaki, patay sa pamamaril sa Lucena City

LUCENA CITY Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Sitio Kanluran, Barangay Talao-Talao, Lucena City, bandang 11:30 ng gabi nitong Setyembre 18.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Reynaldo, na natagpuang duguan at may tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakahandusay sa kalsada. Kaagad siyang isinugod ng mga rumespondeng awtoridad sa Quezon Medical Hospital, ngunit idineklara siyang dead on arrival dakong 12:44 ng hatinggabi.

Ayon sa imbestigasyon, nakatakas ang suspek na nakilala lamang sa alyas Andy, at dala pa umano nito ang ginamit na baril sa krimen. Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga pulis upang matukoy ang pinagmulan ng alitan at mahuli ang tumakas na salarin.

Samantala, nananawagan ang mga awtoridad sa sinumang may impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng suspek na makipagtulungan upang agad na matugunan ang kaso at mapanagot ang responsable. (Larawan: Google)