Tingnan: Mga pulis sa Padre Burgos Quezon, namahagi ng flyers upang ipalaganap ang mahahalagang impormasyon sa publiko
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-23 23:03:39
PADRE BURGOS, QUEZON – Patuloy ang pagsasagawa ng community relations activities ng kapulisan sa ilalim ng programang “Pulis CALABARZON, Kaagapay Ko.”
Noong Setyembre 22, 2025, bandang 10:07 AM, nagsagawa ng pamamahagi ng flyers si PCpl Billy John Villanueva, Assistant Operation PNCO ng Padre Burgos Municipal Police Station (MPS), sa mga residente ng Brgy. Marao, Padre Burgos, Quezon.
Layunin ng aktibidad na ipalaganap ang mahalagang impormasyon kaugnay ng:
Kampanya laban sa iligal na droga at terorismo
Disaster Preparedness o kahandaan sa sakuna
Mga Road Safety Tips para sa ligtas na biyahe
8 Focus Crimes na tinututukan ng PNP
911 Emergency Hotline Number at iba pang mahahalagang impormasyon para sa kaligtasan ng publiko
Ayon kay PCpl Villanueva, mahalaga ang ganitong uri ng community outreach upang mas mapalapit ang kapulisan sa taumbayan at masigurong naipararating sa bawat pamilya ang wastong impormasyon para sa kanilang kaligtasan at kapakanan.
Patuloy namang nananawagan ang Padre Burgos PNP sa lahat ng residente na makiisa at makipagtulungan sa mga programa ng pulisya upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar. (Larawan: PadreBurgos Qppo Pcad / Fb)