Diskurso PH
Translate the website into your language:

Wanted na carnapper, arestado sa Mauban Quezon

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-24 01:25:02 Wanted na carnapper, arestado sa Mauban Quezon

MAUBAN, QUEZON – Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Mauban Municipal Police Station ang isang number 1 most wanted person (municipal level) sa isinagawang operasyon bandang alas-10:30 ng gabi sa Barangay Bagong Bayan, Mauban, Quezon.

Kinilala ang suspek sa alyas “Christopher”, na matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa Republic Act 10883 o Anti-Carnapping Act of 2016. Ayon sa ulat ng pulisya, matagal nang nakatakas ang akusado at nagtatago sa iba’t ibang lugar bago tuluyang matunton ng mga operatiba.

Batay sa rekord, si alyas Christopher ay may nakabinbing warrant of arrest at pinapayagan ng korte na makapagpiyansa ng humigit-kumulang ₱300,000 para sa pansamantalang kalayaan. Gayunpaman, sa ngayon ay nasa kustodiya na siya ng mga otoridad at nakatakdang iproseso para sa kaukulang disposisyon ng korte.

Ang pagkakaaresto kay alyas Christopher ay nagpapakita ng tuloy-tuloy na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa Quezon, partikular sa kaso ng carnapping na patuloy na nagiging banta sa seguridad at kabuhayan ng mga mamamayan. (Larawan: iStock / Google)