Diskurso PH
Translate the website into your language:

Pagbisita ng PH Embassy para sa ‘Welfare Check’ kay Digong sa ICC, Ikinabahala ni VP Sara

Ana Linda C. RosasIpinost noong 2025-09-24 12:14:58 Pagbisita ng PH Embassy para sa ‘Welfare Check’ kay Digong sa ICC, Ikinabahala ni VP Sara

Maynila – Nagpahayag ng pangamba si Vice President Sara Duterte nitong Miyerkoles kaugnay ng umano’y isinagawang “welfare check” ng mga opisyal ng Philippine Embassy sa The Hague kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa International Criminal Court (ICC).

Ayon sa ulat, nagtungo ang mga opisyal ng embahada sa ICC detention facility upang kumustahin ang kalagayan ng dating pangulo. Gayunpaman, nagpahayag ng pagkabahala si VP Sara at iginiit na dapat malinawan kung ano ang mandato ng embahada sa pagsasagawa ng nasabing hakbang.

“The officials clearly abused the rule of the detention unit concerning consular visits,” ayong sa pangalawang pangulo

Binalaan niya na maaaring malagay sa peligro ang buhay ng dating pangulo dahil sa ganitong aksyon, at iginiit na halos araw-araw ay may dumadalaw na kaanak upang tiyakin ang kanyang kalagayan.

 “If such sham ‘welfare checks’ are allowed to continue, then the ICC and the Philippine Government must be prepared to answer… including, should the worst happen, his death in custody,” dagdag niya.


Hindi pa malinaw kung ito ay bahagi ng regular na consular service ng pamahalaan para sa mga Pilipinong nakakulong sa ibang bansa o kung may partikular na kautusan hinggil dito.

Tinawag pa niya itong “orders of President Marcos disguised as consular functions,” at matapang na iginiit: “FPRRD does not need you, our family will take care of him.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa isyu. Patuloy namang inaabangan ang posibleng paglilinaw mula sa kagawaran kaugnay ng kanilang naging aksyon.

Si dating Pangulong Duterte ay kasalukuyang humaharap sa kaso sa ICC kaugnay ng kampanya kontra ilegal na droga noong panahon ng kanyang administrasyon.

larawan/google