Tingnan: Agarang tulong, ipinamahagi sa mga evacuation centers sa Batangas
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-26 22:09:34
BATANGAS — Kaagad na ipinamahagi ang tulong mula kay Cong. Leandro Legarda Leviste sa mga evacuation centers sa bayan ng San Luis bilang tugon sa pangangailangan ng mga residenteng apektado ng bagyong Opong.
Personal na pinangunahan ni Mayor Oscarlito Hernandez ang pamamahagi ng tulong katuwang ang Municipal Social Welfare and Development (MSWD), si MWCC President Ma’am Mena Hernandez, at mga opisyal ng barangay. Layunin ng aktibidad na masiguro na ang bawat pamilyang lumikas ay may sapat na pagkain, inumin, at iba pang pangunahing pangangailangan habang nananatili sila sa mga itinakdang evacuation centers.
Bukod sa mga relief goods, tiniyak din ng lokal na pamahalaan ang patuloy na pagbabantay sa kalusugan at kaligtasan ng mga evacuees. Kasama rito ang koordinasyon sa San Luis Rural Health Unit (RHU) na nagsasagawa ng regular na pagbisita upang magbigay ng medical assistance at mag-monitor sa kondisyon ng mga naninirahan pansamantala sa evacuation sites.
“Sa panahon ng matinding pagsubok, ang pagkakaisa at pagtutulungan ang tunay na lakas ng ating bayan.” (Larawan: San Luis, Batangas - MIO / Facebook)