Cong. Kiko Barzaga, namahagi ng tulong sa mga apektado ng bagyong Opong sa Cavite
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-26 22:33:44
CAVITE — Nagtungo si Congressman Elpidio “Kiko” Barzaga Jr. sa Barangay Paliparan 1 upang personal na mamahagi ng pagkain at iba pang relief goods para sa mga pamilyang apektado ng pananalasa ng bagyong Opong.
Kabilang sa mga ipinamahagi ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, delata, noodles, inuming tubig, at hygiene kits. Layunin ng inisyatiba na matulungan ang mga pamilyang pansamantalang lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa malalakas na ulan at pagbaha na dulot ng bagyo.
Mahalagang tiyakin na may sapat na pagkain at kagamitan ang bawat pamilya sa mga evacuation centers, lalo na’t ang kaligtasan at kalusugan ng mga bata at nakatatanda ang pangunahing isinaalang-alang. Patuloy ang koordinasyon ng kanyang tanggapan sa lokal na pamahalaan upang masigurong lahat ng apektadong residente ay mabibigyan ng tulong.
Nagpasalamat naman ang mga evacuee sa mabilis na aksyon ng pamahalaan at sa personal na pagtutok ng kongresista. Para sa marami, malaking ginhawa ang agarang tugon sa kanilang sitwasyon sa kabila ng matinding pagsubok na dulot ng kalamidad.
Patuloy namang nananawagan ang pamahalaan sa mga mamamayan na manatiling alerto at makipagtulungan habang nagpapatuloy ang epekto ng bagyong Opong. (Larawan: Kiko Barzaga / Facebook)