Diskurso PH
Translate the website into your language:

Severe Tropical Storm Opong, nanlupig sa Masbate; higit 1,000 residente apektado

Ana Linda C. RosasIpinost noong 2025-09-26 15:22:02 Severe Tropical Storm Opong, nanlupig sa Masbate; higit 1,000 residente apektado

Masbate City – Matinding pinsala ang iniwan ng Severe Tropical Storm Opong nang bumayo ito sa ilang bayan ng Masbate madaling-araw ng Biyernes, Setyembre 26, 2025.

Ayon sa ulat, nilipad ng malalakas na hangin at malakas na ulan ang bubong ng maraming kabahayan, bumagsak ang mga puno,at mga poste at binaha ang mabababang lugar. Maraming tahanan ang nasira habang naharangan ng mga natumbang puno ang ilang pangunahing kalsada.

Sinabi ni Chris Jo Adigue, hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bayan ng Palanas, na lubog sa baha ang mga barangay ng Poblacion, Sta. Cruz, Bontod, at karatig-lugar. Nakapinsala rin ng mga bahay at gusali ang pagbagsak ng mga puno.

Mahigit 1,000 residente ang nailikas na noong Huwebes bilang pag-iingat bago tuluyang tumama ang bagyo.

Sa tinde ng hagupit ng bagyong Opong sa lugar, nagtumbahan ang mga puno at poste, kayat walang supply ng kuryente,dahilan ng mahirap na komunikasyon.

Sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ikalawang beses na nag-landfall si Opong sa Masbate ganap na alas-4 ng madaling-araw ng Biyernes, matapos unang tumama sa San Policarpo, Eastern Samar, alas-11:30 ng gabi ng Huwebes.

Samantala, tiniyak ni Masbate City Mayor Atty. Ara Kho ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng ayuda at pagtutok sa kaligtasan ng mga residente habang nagpapatuloy ang malakas na ulan at hangin sa probinsya.

larawan/google