Mga pasyente sa CCMC agarang inillikas sa panganba ng aftershocks,ngunit pinasok muli matapos ang malakas na ulan
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-10-01 04:19:06
Cebu City- Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang Bogo City, Cebu kagabi na nagdulot ng agarang paglikas ng mga pasyente sa Cebu City Medical Center dahil sa pangamba ng aftershocks, bago muling ipinasok ang ilan matapos bumuhos ang malakas na ulan.
Ayon sa pamunuan ng ospital, agad nilang inilabas ang mga pasyente bilang bahagi ng kanilang precautionary measures laban sa posibleng muling pagyanig. Ilan sa mga pasyente ay pansamantalang nanatili sa labas ng gusali at sa mga makeshift tent na agad itinatag ng mga kawani ng ospital.
Subalit kinailangang ibalik ang mga pasyente sa loob matapos ang biglang pagbuhos ng ulan na nagdulot ng dagdag na panganib at abala sa mga nasa labas. Patuloy namang mino-monitor ng mga awtoridad ang kondisyon ng gusali at tiniyak na ligtas pa itong gamiting pansamantalang kanlungan.
Samantala, batay sa mga ulat mula sa iba’t ibang news platforms, hindi bababa sa tatlong katao ang nasaktan matapos mabagsakan ng debris at bumigay na pader dulot ng malakas na pagyanig. Kabilang sa mga nasaktan ang isang matanda na nagtamo ng sugat sa ulo at agad dinala sa ospital. Isang bumbero rin ang nagtamo ng pasa at galos matapos tamaan ng gumuhong bahagi ng kanilang fire station.
Sa ngayon ay wala pang iniulat na nasawi bunsod ng nasabing lindol, ngunit nagpapatuloy ang assessment ng lokal na pamahalaan at ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) hinggil sa pinsala at mga posibleng aftershock.
Pinayuhan naman ng mga otoridad ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga itinatakdang protocol sa tuwing may nararanasang pagyanig.
larawan/fb