Naitala ng Taal Volcano Observatory ang isang minor phreatomagmatic eruption sa Main Crater ng Bulkang Taal
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-10-01 04:46:59
Batangas- Isang minor phreatomagmatic eruption ang naitala sa Main Crater ng Bulkang Taal nitong madaling-araw ng Oktubre 1, 2025, dakong alas-2:02 ng umaga, nai-capture ng thermal camera ng Taal Volcano Observatory at IP Camera ng Main Crater Observation station.
Ang pagsabog ay nagbuga ng abo/usok na umabot sa taas na 2,500 metro, na tumahak patungong hilagang-kanluran. Mananatili ang Alert Level 1 sa bulkan bilang paunang babala sa publiko.
Ayon sa tala ng obserbasyon, wala pang iniulat na malawakang pinsala o sugatan dahil sa pagsabog. Subalit, dahil sa ganitong aktibidad, pinaiigting ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagmamatyag sa seismic at gas emission data para sa posibleng kasunod na pag-aktibidad.
Ang alertong antas 1 ay nangangahulugan na may bahagyang pag-buga ng usok, steam o gas, at maaring mangyari ang mga minor na phreatic o phreatomagmatic na pagsabog. Pinapayuhan ng PHIVOLCS ang publiko, lalo na yaong malapit sa Taal Volcano Island (TVI), na huwag pumasok sa tinatawag na Permanent Danger Zone at iwasan ang paglapit sa bungad ng crater.
larawan/google