Diskurso PH
Translate the website into your language:

Padrino o partner? CLTG Builders ni Bong Go Sr., konektado umano sa Discaya couple

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-10-16 12:36:58 Padrino o partner? CLTG Builders ni Bong Go Sr., konektado umano sa Discaya couple

MANILA — Patuloy ang masusing imbestigasyon ng Office of the Ombudsman at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa posibleng koneksyon ng contractor couple na sina Pacifico “Curlee” at Cezarah “Sarah” Discaya sa CLTG Builders, isang kumpanyang umano’y pag-aari ng ama ni Senador Bong Go.

Kinumpirma ni DPWH Secretary Vince Dizon na tinitingnan nila ang mga dokumento mula pa noong 2016 hanggang 2025 upang matukoy ang lawak ng ugnayan ng Discayas sa CLTG. “We talked with Ombudsman (Crispin) Remulla last night about this. And now, we are already working to look at the documents from the previous administration,” ani Dizon sa isang ambush interview.

Dagdag pa ni Dizon, “That is also our target—from 2016 to 2025. That is also the mandate of the ICI (Independent Commission for Infrastructure). We will not spare anyone here.” Ang ICI ay binuo ng Palasyo upang imbestigahan ang mga anomalya sa flood control projects sa iba’t ibang rehiyon.

Ayon sa ulat ng Rappler, nakipag-joint venture ang CLTG Builders sa St. Gerrard Construction, isang kumpanyang pag-aari ni Curlee Discaya, at nakakuha ng limang infrastructure projects sa Davao Region na may kabuuang halaga na higit ₱816 milyon.

Sa panig ng Ombudsman, sinabi ni Jesus Crispin Remulla na tumanggi ang Discaya couple na magbigay ng detalye ukol sa kanilang ugnayan sa CLTG. “They have refused to disclose details of their partnership with CLTG,” ani Remulla sa panayam ng Super Radyo dzBB.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag si Senador Bong Go kaugnay ng isyu.