Atty. Regal Olivia, humingi ng paumanhin sa kontrobersyal na pahayag tungkol kay dating Pangulong Duterte at ICC
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-10-20 19:55:34
MANILA — Naglabas ng public apology si Atty. Regal Oliva nitong Lunes, Oktubre 20, matapos makatanggap ng matinding backlash kaugnay ng kanyang naunang point of view (POV) hinggil sa apela ni dating Pangulong at kasalukuyang Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
“I did not know the ramifications of what had happened and what I previously posted on a POV. But before anything else, allow me to begin with an apology. A very sincere one,” pahayag ni Oliva, sabay-amin na “poorly written” umano ang kanyang naunang post.
Sa isang Facebook live video, ipinaliwanag ni Oliva na ang layunin niya ay magpasimula ng talakayan, subalit nauwi umano ito sa mga personal na batikos at ad hominem attacks sa halip na maging konstruktibong diskusyon.
“The discussion became personal, and that was never my intention,” dagdag pa ni Oliva.
Ang buong live video ng kanyang paghingi ng paumanhin ay naka-upload sa kanyang Facebook account.
Matatandaang si Oliva ay ini-endorso noon nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte bilang kongresistang kandidato ng Mandaue City, Cebu, ngunit hindi siya pinalad na manalo sa halalan. (Larawan: Atty. Regal Olivia / Facebook Live)