Diskurso PH
Translate the website into your language:

Barangay hall sa Iloilo pinutulan ng kuryente; hindi nagbayad simula 2023; utang umabot P686K

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-10-22 08:56:14 Barangay hall sa Iloilo pinutulan ng kuryente; hindi nagbayad simula 2023; utang umabot P686K

ILOILO CITY — Nawalan ng suplay ng kuryente ang Alalasan Barangay Hall sa Lapuz District, Iloilo City noong Oktubre 20, 2025, matapos putulin ng power provider ang linya dahil sa hindi nabayarang electric bills na umabot na sa P686,000 mula pa noong 2023.

Ayon sa ulat ng, naapektuhan din ang barangay health center, day care center, at tanod outpost. Sa kabuuang utang, P528,000 ay mula sa penalties matapos matuklasan ng power provider na may illegal tapping at walang sariling power meter ang barangay. 

Ang natitirang P157,000 ay aktwal na bill na hindi nabayaran ng nakaraang administrasyon nang magkaroon na ng sariling metro.

Sa gitna ng paghahanda para sa nalalapit na barangay fiesta, lalong lumalala ang problema. Sinita ni Barangay Chairman Jofel Ladiet ang dating kapitan na si Sumpio sa isang pahayag: “Kap. Sumpio, napag-usapan na natin ito before. Meron kang sinabi na sana magbabayad ka naman kaso hindi ka nanalo. Ngunit hindi yan ang dahilan dahil may annual budget ka naman. Sana binigyan mo ito ng atensyon”.

Patuloy ang koordinasyon ng kasalukuyang pamunuan upang maibalik ang kuryente sa mga pasilidad ng barangay. Samantala, nananawagan ang mga residente ng agarang aksyon upang hindi maantala ang mga serbisyong pampubliko.

Larawan mula Barangay FM 93.5 Iloilo