Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘I encourage the public to have a deeper look into history’ — Gov. Helen Tan, naglabas ng pahayag ukol sa pelikulang ‘Quezon’

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-24 23:48:13 ‘I encourage the public to have a deeper look into history’ — Gov. Helen Tan, naglabas ng pahayag ukol sa pelikulang ‘Quezon’

QUEZON PROVINCE — Nanawagan si Governor Dra. Helen Tan sa publiko na masusing pag-aralan at unawain ang tunay na kasaysayan sa likod ng buhay at pamana ni dating Pangulong Manuel L. Quezon, matapos ang paglabas ng pelikulang “Quezon.”

Ayon sa Gobernadora, habang kinikilala niya ang pagsisikap at malikhaing kontribusyon ng mga nasa likod ng pelikula — kabilang ang direktor, mga artista, at producer — mahalagang maunawaan ng mga manonood ang mas malalim na konteksto ng buhay ni Quezon at ang kanyang mga adhikain para sa bansa.

Binigyang-diin ni Gov. Tan na si Quezon ay hindi lamang isang lider pampulitika kundi isang tunay na bayani ng nasyonalismo, na nagsulong ng reporma sa lupa, karapatan ng mga magsasaka, pagpapalawak ng pampublikong edukasyon, at paggamit ng wikang Filipino bilang wikang pambansa — dahilan upang kilalanin siya bilang “Ama ng Wikang Pambansa.”

Dagdag pa ng Gobernadora, hindi dapat umasa lamang ang publiko sa interpretasyon ng pelikula o sa malikhaing pagpapakahulugan ng direktor. Sa halip, hinihikayat niyang tuklasin ng bawat Pilipino ang mas malalim na kahulugan ng mga adhikain ni Pangulong Quezon at kung paanong ang kanyang serbisyo ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kasalukuyang henerasyon. (Larawan: Doktora Helen Tan / Facebook)