Diskurso PH
Translate the website into your language:

Babaeng nagbibisikleta, patay matapos pagbabarilin!

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-25 00:00:04 Babaeng nagbibisikleta, patay matapos pagbabarilin!

SARIAYA, QUEZON — Nasawi ang isang babae matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nagbibisikleta sa isang liblib na bahagi ng Barangay Manggalang 1, Sariaya, Quezon.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pauwi na umano ang biktima nang bigla itong salubungin ng suspek at paulanan ng bala. Nagtamo ng mga tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang babae na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay isang tindera at umano’y sangkot sa ilegal na droga, bagay na isa sa mga tinitingnang motibo sa krimen. Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng follow-up operation upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at kung may kinalaman ang insidente sa operasyon kontra droga sa lugar.

Inaalam din ng mga imbestigador kung may nakasaksi sa pangyayari o CCTV footage na maaaring makatulong sa paglutas ng kaso. (Larawan: Quezon PNP / Facebook)