Diskurso PH
Translate the website into your language:

Tricycle driver, patay sa pamamaril sa Tiaong, Quezon

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-27 22:13:49 Tricycle driver, patay sa pamamaril sa Tiaong, Quezon

TIAONG — Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Talisay, Tiaong, Quezon, madaling-araw ng Lunes, Oktubre 27, 2025.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-1:30 ng umaga nang maganap ang insidente. Sakay umano ng kanyang tricycle ang biktima at patungong Candelaria nang bigla siyang harangin at pagbabarilin ng suspek.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Tiaong Municipal Police Station matapos makatanggap ng tawag mula sa mga residente sa lugar. Dead on the spot ang biktima sanhi ng tinamong maraming tama ng bala sa katawan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa pamamaril. Pinag-aaralan din ang CCTV footage sa lugar na maaaring makatulong sa pagresolba ng kaso.

Samantala, nanawagan ang mga pulis sa publiko na makipagtulungan at agad ipagbigay-alam ang anumang impormasyon na maaaring magturo sa salarin. (Larawan: Google)