Diskurso PH
Translate the website into your language:

COMELEC, kinansela ang COC ni Albay Gov. Noel Rosal dahil sa ‘grave misconduct’ case

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-29 23:30:37 COMELEC, kinansela ang COC ni Albay Gov. Noel Rosal dahil sa ‘grave misconduct’ case

ALBAY Kinansela ng Commission on Elections (COMELEC) Second Division ang certificate of candidacy (COC) ni Albay Governor Noel Rosal para sa 2025 midterm elections at idineklarang “stray,” matapos mapatunayang nagsumite ito ng maling impormasyon sa kanyang kandidatura.

Ayon sa desisyon ng Comelec Second Division na inilabas nitong Miyerkules, Oktubre 29, pinaboran ng poll body ang petisyon ni Adrian Loterte na nagsasabing hindi na kuwalipikado si Rosal na tumakbo sa halalan. Batay sa petisyon, nananatiling epektibo ang desisyon ng Office of the Ombudsman noong Hulyo 2024 na nagdeklarang guilty si Rosal sa kasong grave misconduct at nag-utos ng kanyang pagtanggal sa serbisyo.

Tinukoy din ng Comelec na gumawa si Rosal ng false material representation nang ideklara niyang siya ay kwalipikadong kandidato, sa kabila ng hindi pa nababawi o napapawalang-bisa ang naunang hatol ng Ombudsman.

Dahil dito, idineklara ng Comelec ang kanyang kandidatura bilang “stray,” na nangangahulugang hindi bibilangin ang anumang boto na makukuha niya sa darating na halalan. Patuloy namang tinututukan ng mga taga-Albay ang magiging kapalit ni Rosal sa lokal na karera sa pulitika. (Larawan: Albay Gov. Noel Rosal / Facebook)