Retail sector humahataw: Vacancy rate sa NCR bagsak sa 13.1%
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-11-03 13:59:53
MANILA — Inaasahang babalik sa antas bago ang pandemya ang mall vacancy rate sa Metro Manila pagsapit ng katapusan ng 2026, ayon sa ulat ng Colliers Philippines para sa unang quarter ng 2025.
Sa kasalukuyan, bumaba na sa 13.1% ang mall vacancy rate sa rehiyon, ang pinakamababa mula noong 2021. Ayon kay Colliers Research Director Joey Roi Bondoc, “Colliers is optimistic that Metro Manila mall vacancy will revert to pre-COVID level by end-2026.” Dagdag pa niya, inaasahang magpapatuloy ang pagtaas ng retail demand sa mga susunod na taon.
Kabilang sa mga salik na nagtutulak sa pagbawi ng retail sector ay ang:
- Paglawak ng mga foreign at local retail brands, lalo na sa mga central business districts.
- Pagdagdag ng 158,000 sqm ng retail space kada taon hanggang 2026, na may kabuuang 7.9 million sqm ng leasable space na naitala ngayong Q1 2025.
- Pagbubukas ng mga bagong malls gaya ng Gateway Mall 2, na nagdulot ng mas mataas na leasing activity.
- Pag-modernize ng mga existing malls upang magbigay ng mas immersive na karanasan sa mga mamimili.
Ayon sa Colliers, ang mga developer ay mas agresibo na ngayon sa pag-redevelop ng kanilang mga mall upang makasabay sa pagbabago ng lifestyle ng mga Pilipino. Bukod sa Metro Manila, inaasahan ding lalawak ang retail development sa mga probinsya, na magpapalakas pa sa kabuuang sektor.
