‘Wala kang napangalanan’ — Claire Castro kay Mayor Magalong
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-11-03 22:32:43
MANILA — Binatikos ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kaugnay ng kanyang mga pahayag hinggil sa umano’y ₱36 bilyong rock-netting project sa lungsod.
Sa kanyang live stream nitong Linggo, Nobyembre 2, iginiit ni Castro na hanggang sa ngayon ay wala pa ring pinapangalanan si Magalong na mga opisyal o indibidwal na sangkot sa kontrobersyal na proyekto.
“Nakapasok na siya sa ICI, nag-resign na siya sa ICI, wala pa rin siyang napapangalanan,” ani Castro, na tumutukoy sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) kung saan naging miyembro si Magalong bago ito magbitiw sa puwesto.
Dagdag pa ni Castro, kung tunay na may katiwaliang nagaganap sa naturang proyekto, dapat umano ay maglabas ng matibay na ebidensya at pangalan ng mga sangkot upang hindi lamang puro alegasyon ang lumalabas sa publiko.
Samantala, nananatiling tikom pa rin ang panig ni Magalong ukol sa direktang tugon sa pahayag ng opisyal ng PCO.
Ang rock-netting project ay bahagi umano ng malawakang disaster prevention program ng pamahalaan para sa mga landslide-prone areas sa Baguio City. (Larawan: Claire Castro / Facebook)
