Alysa Liu, unang American woman sa loob ng 19 years na nakasungkit ng figure skating world title
Carolyn Boston Ipinost noong 2025-03-31 10:27:52
March 31, 2025 — Ang pagbabalik ni Alysa Liu sa competitive figure skating ay isang hindi kapani-paniwalang kwento. Halos tatlong taon matapos niyang ianunsyo ang kanyang pagreretiro, ginulat niya ang mundo nang masungkit ang women’s figure skating world title nitong Biyernes, kaya naman siya ang unang American woman sa loob ng 19 na taon na nakagawa nito.
Si Liu, na tumigil sa sport noong 2022 matapos lumaban sa Beijing Olympics, ay bumalik lang sa training isang taon na ang nakalipas at sumali ulit sa international competition anim na buwan pa lang ang nakakaraan. Dumating siya sa championships na walang inaasahan, pero sa huli, ipinakita niya ang dalawang nakakamanghang performances na nag-ukit ng pangalan niya sa kasaysayan.
“Even yesterday I didn’t expect this,” inamin ni Liu, habang inaalala ang kanyang pangunguna sa Wednesday’s short program. “I didn’t have expectations coming in. I never have expectations coming into competitions anymore. It’s more so what I can put out performance-wise, and I really met my expectations on that part today.”
Sa kanyang free skate performance gamit ang “MacArthur Park Suite” ni Donna Summer, ipinamalas ni Liu ang isang flawless routine na nagpa-wow sa audience. Ang bawat jump niya ay sinalubong ng malakas na palakpakan habang ipinakita niya ang kumpiyansa at grace sa yelo. Nagtala siya ng kabuuang score na 222.97 points sa parehong programs, halos limang puntos ang lamang niya kay Kaori Sakamoto ng Japan, na nagtapos sa second place.
“It means so much to me,” ani Liu. “Everything that I’ve been through, my last skating experience, my time away, and this time around—I’m so happy. I’m mostly glad I could put out two of my best performances.”
Noong 2019, nagmarka na sa kasaysayan si Liu bilang pinakabatang skater na nanalo ng individual title sa U.S. Figure Skating Championships sa edad na 13. Nanalo ulit siya noong sumunod na taon, dahilan para siya ay ituring na isa sa mga pinaka-promising na atleta sa sport. Pero matapos lumaban sa Olympics at magwagi ng world championship medal noong 2022, inanunsyo niya ang kanyang pagre-retiro sa edad na 16, dahil naramdaman niyang natupad na niya ang kanyang mga goals at handa na siyang mag-move on sa buhay.
Dalawa pang American skaters, sina Isabeau Levito at Amber Glenn, ang nagtapos sa ika-apat at ika-limang pwesto, na nagselyo ng isang matagumpay na linggo para sa Team USA’s female skaters. Samantala, Ilia Malinin ang kasalukuyang nangunguna sa men’s world championships matapos ang short program, at inaasahang lalaban para sa gold sa free skate sa Sabado.