Alex Eala, nanguna sa seeding ng 2025 Jingshan Tennis Open sa Tsina
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-09-21 17:05:04
JINGSHAN, CHINA — Itinalagang #1 seed ang Filipina tennis star na si Alexandra “Alex” Eala sa darating na 2025 Jingshan Tennis Open, isang WTA 125 tournament na gaganapin mula Setyembre 22 hanggang 28 sa sa Jingshan International Tennis Tournament Center sa Tsina.
Ang pasilidad sa Jingshan ay bagong tayong tennis complex na may modernong amenities para sa mga manlalaro at manonood.
Ito ay inaasahang magiging mahalagang bahagi ng tennis calendar sa Asya, lalo na’t pinaglalabanan dito ang mahahalagang puntos at premyo. May kabuuang premyo na higit sa US$160,000 para sa mga kalahok sa women’s side
Si Eala, kasalukuyang nasa WTA Rank No. 57, ang pinakamataas na ranggong manlalaro sa torneo at inaasahang magiging pangunahing kandidata para sa kampeonato.
Kasama sa listahan ng mga seeded players ang:
#2 Talia Gibson (Australia, WTA #123)
#3 Tamara Korpatsch (Germany, #140)
#4 Lulu Sun (New Zealand, #147)
#5 Jodie Burrage (Great Britain, #149)
#6 Gao Xinyu (China, #165)
#7 Mai Hontama (Japan, #187)
#8 Arianne Hartono (Netherlands, #191)
Ang Jingshan Tennis Open ay kabilang sa WTA 125 series, na nagsisilbing mahalagang pagkakataon para sa mga rising stars na makapuntos at magpakita ng kanilang husay laban sa mga kalaban mula iba’t ibang bansa.
Para kay Eala, ang pagiging top seed sa torneo ay dagdag na inspirasyon upang patunayan ang kanyang kakayahan at palawakin ang kanyang rekord sa pandaigdigang tennis.
larawan/google