Diskurso PH
Translate the website into your language:

E-Sports: Team Secret, binasag ang all-Filipino lineup; Singaporean at Vietnamese players sinali sa Valorant team

Ace Alfred AceroIpinost noong 2025-05-16 12:24:19 E-Sports: Team Secret, binasag ang all-Filipino lineup; Singaporean at Vietnamese players sinali sa Valorant team

May 16 - Tuluyan nang binasag ng Team Secret ang pagiging all-Filipino ng kanilang Valorant roster matapos pormal na isama ang Singaporean na si Sha “ZesBeeW” Mohtar at Vietnamese na si Nguyen “Nizzy” Tan Thành. Kasama rin sa bagong recruits ang Pinoy na si Kelly “kellyS” Sedillo, dating manlalaro ng Global Esports.

Ang reshuffle ay kasunod ng pagbitaw ng team kina James "2GE" Goopio at Jeremy "Jremy" Cabrera — na inilagay sa inactive roster — habang nagdesisyong magpahinga muna mula sa kompetisyon ang beteranong si Jessie "JessieVash" Cuyco.

Ayon kay Cuyco sa isang social media video, “Medyo pagod na rin ako sa mga negatibong komento mula sa community, lalo na ‘yung mga walang kinalaman sa laro. Kailangan ko munang lumayo para ‘di makaapekto sa team. Sana, sa pagbabalik ko, dala ko ulit ang gana para lumaban.”

Kasama si Cuyco sa dating BREN Esports lineup na nakapasok sa Valorant Champions Berlin noong 2021. Sila rin ang team na nakapag-qualify sa Masters ngunit hindi nakabiyahe dahil sa travel issues — isang pangyayaring humantong sa pagkaka-acquire ng Team Secret sa roster.

Si Cabrera ay sumali noong 2023, habang si Goopio ay nadagdag noong 2025. Malaki ang naging papel ng dalawa sa pag-abot ng Team Secret sa isang panalo na lang sana upang muling makapasok sa Valorant Champions. Ngunit ngayong 2025, bagsak sa huling puwesto ang team sa parehong VCT Pacific Kickoff at Stage 1 — may isang panalo lamang sa buong taon.

Sa gitna ng pagbabago, opisyal nang sinalubong ng Team Secret ang tatlong bagong miyembro para sa paghahanda sa qualifiers ng Esports World Cup ngayong buwan.

Si “kellyS” Sedillo, na nagwagi kontra Team Secret bilang dating in-game leader ng Global Esports, ay umalis sa kanyang koponan ngayong off-season. Si Mark "patrickWHO" Musni, kapwa Pilipino, ay napaalis naman mula sa Global Esports matapos ang anim na buwang pananatili.

Si ZesBeeW, mula Singapore, ay dating bahagi ng Boom Esports na lumaban sa VCT Pacific Ascension 2024. Muling makakasama niya ngayon ang dati niyang coach na si Ji "Meow" Dong-jun, na kasalukuyang coach ng Team Secret.

Samantala, galing sa Team Secret Academy ang Vietnamese na si Nizzy Tan Thành. Dating player ng Fancy United, siya ang highest-rated player sa VCT Challengers Vietnam Split 2 noong 2023.

Ang bagong trio ay sasama kina Adrian “invy” Reyes at Brheyanne “Wild0reoo” Reyes sa layuning makuha ang pwesto para sa Esports World Cup ngayong buwan.