Jamie Malonzo, aalis na sa Ginebra! Lilipad na sa Japan para sa B.League team na Kyoto Hannaryz
Gerald Ericka Severino Ipinost noong 2025-08-01 16:51:19
Isang malaking balita para sa mundo ng Philippine basketball: kumpirmado na ang pag-alis ni Jamie Malonzo mula sa Barangay Ginebra San Miguel. Siya ay lilipat sa Japan upang maglaro sa Kyoto Hannaryz ng B.League para sa 2025-2026 season.
Ito ay Isang bagong yugto sa career ni Malonzo. Sa opisyal na pahayag ng Kyoto Hannaryz, inanunsyo nila ang pagsali ng 6-foot-6 athletic forward na si Malonzo bilang bahagi ng kanilang international reinforcements. Inaasahang magiging malaking tulong si Jamie sa opensa at depensa ng koponan, lalo na sa kanyang explosiveness at versatility sa court.
Hindi naman naiwasan ang panghihinayang mula sa mga fans ng Ginebra. Si Malonzo, na naging bahagi ng "Fast and Furious 2.0" core ng team, ay naging paborito ng maraming fans dahil sa kanyang highlight dunks, hustle plays, at defensive efforts.
Si Malonzo ang pinakabagong Filipino player na susubok ng kapalaran sa Japan B.League, kasunod ng ilang kilalang pangalan tulad nina Thirdy Ravena, Dwight Ramos, at AJ Edu. Patuloy nitong pinatutunayan ang global appeal at competitiveness ng mga Pilipinong manlalaro sa Asia.