Pacquiao, target si Romero ayon kay Sean Gibbons
Robel A. Almoguerra Ipinost noong 2025-09-28 23:43:24.jpg)
MANILA — Nag-iingay na naman ang mundo ng boksing matapos lumabas ang posibilidad ng isang sagupaan sa pagitan ng Pambansang Kamao, Manny Pacquiao, at ng kontrobersyal na boksingerong si Rolando “Rolly” Romero. Binansagang Legend vs. Wildcard, ang laban ay ikinukumpara rin bilang Speed vs. Power at Legacy vs. Ambition.
Ayon kay Sean Gibbons, pangulo ng MP Promotions, isa si Romero sa mga nangunguna sa listahan ng mga posibleng makaharap ni Pacquiao. “All the stories are out there, and Rolly Romero is one of the frontrunners, because Manny wants meaningful fights. He wants to break his own records and make history – just like when he won the world title at 40 years old,” ani Gibbons.
Kung matutuloy, magiging malaking usapin ito dahil si Pacquiao, na itinuturing na isa sa pinakamagaling sa kasaysayan ng boksing, ay patuloy na naghahanap ng laban na may saysay at makakapagpataas pa ng kanyang pamana. Sa kabilang panig, si Romero, na kilala sa kanyang agresibong estilo at malakas na suntok, ay sabik na patunayan na kaya niyang tumalo ng isang tunay na alamat.
Habang wala pang pinal na anunsyo, ang posibilidad ng laban na ito ay tiyak na magbibigay ng matinding excitement sa mga tagahanga. Para kay Pacquiao, ito ay tsansang muling gumawa ng kasaysayan. Para kay Romero, ito naman ay pagkakataong makapasok sa hanay ng mga kilalang pangalan sa boksing sa pamamagitan ng pagtalo sa isang alamat. (Larawan: Facebook / Google)