Babae, may kakaibang rule — Panoorin lahat ng ‘One Piece’ episodes bago makipag-date sa kanya
Robel A. Almoguerra  Ipinost noong 2025-10-29 22:37:39.jpg) 
            	MANILA — Isang babae ang naging viral sa isang dating show matapos ibunyag ang kakaibang kondisyon niya bago makipagrelasyon—kailangang mapanood ng kanyang magiging nobyo ang lahat ng episode ng One Piece bago sila maging magkasintahan.
Ayon sa kanya, hindi raw “masyadong mahaba” ang One Piece dahil ito ay simbolo ng commitment. “I don’t think One Piece is too long. It’s a commitment. I want all of my boyfriends to watch all of One Piece before I get with them,” paliwanag niya habang ipinakita pa ang kanyang Luffy tattoo bilang patunay ng kanyang dedikasyon sa anime.
Ibinahagi rin ng babae na maging ang kanyang ama ay natapos na ang buong serye at pareho silang updated mula pa noong 2014. Nang tanungin siya ng lalaki sa show, “But doesn’t it have like 1,500 episodes?”, mabilis niyang sinagot ng iconic na linya:
 “Yeah, and marriage is forever.”
Umani ng papuri at tuwa mula sa mga netizen ang babae, na tinawag siyang “ultimate One Piece fan.” Para sa marami, ginawang totoong love test ni ate ang anime loyalty—isang patunay na sa kanya, ang tunay na pagmamahal ay may kasamang endurance arc. (Larawan: Daily Dose of Anime / Facebook)
