Diskurso PH
Translate the website into your language:

Bonsai forest na mala-broccoli at cauliflower sa Antique, ikinatuwa ng mga netizens

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-29 22:59:28 Bonsai forest na mala-broccoli at cauliflower sa Antique, ikinatuwa ng mga netizens

ANTIQUE — Namangha ang mga nature lovers sa mala-broccoli at cauliflower na itsura ng mga puno sa tinaguriang Bonsai Forest na matatagpuan sa paanan ng Mount Madja-as sa bayan ng Culasi, Antique.

Ang Mount Madja-as, na kinikilalang pinakamataas na bundok sa isla ng Panay at sa buong Western Visayas, ay isa sa mga paboritong destinasyon ng mga mountaineers at adventure seekers. Dahil sa kakaibang heograpiya at matinding klima sa matataas na bahagi nito, nagmistulang mala-dambuhalang gulay ang mga kakahuyan—parang malalaking broccoli na nakahanay sa kalikasan.

Ang Bonsai Forest ay binubuo ng mga punong umaabot lamang ng isa hanggang dalawang metro ang taas, na tila mga miniaturized trees na nilikha ng kalikasan mismo. Dahil dito, naging isa itong paboritong spot ng mga turista at photographers na nagnanais masaksihan at makuhanan ang pambihirang ganda ng Antique.

Ipinagmamalaki ng mga lokal ang gubat na ito bilang simbolo ng yaman ng kalikasan ng probinsya, at panawagan din nila na ito’y pangalagaan upang mapanatili ang likas nitong kagandahan para sa mga susunod na henerasyon. (Larawan: Tay Josue Guider Mt. Madja-as via Discover Antique, Philippines / Facebook)