Klase Balik na Bukas sa Quezon Province, Hulyo 21
Bryan Hafalla Ipinost noong 2025-07-20 22:29:41
QUEZON PROVINCE (Hulyo 20, 2025) – Inanunsyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na magbabalik na ang klase sa lahat ng antas bukas, Lunes, Hulyo 21, 2025. Ito ay matapos kumpirmahin na wala nang umiiral na Tropical Cyclone Warning Signal o Heavy Rainfall Advisory sa lalawigan.
Sa opisyal na pahayag ng Provincial Government ng Quezon, kanilang pinayuhan ang publiko na manatiling alerto at maging handa sa anumang pagkakataon, kahit na ligtas sa kasalukuyan ang lagay ng panahon.
“Magandang gabi mga ka-lalawigan, palagi pa rin po tayong mag-ingat at laging handa,” pahayag ng Provincial Government.
Dagdag pa rito, nagbigay rin ng mensahe si Gov. Doktora Helen Tan, na may halong paalala at pagpapasigla sa mga estudyante.
“Wag malulungkot ha, may pasok na bukas. Mag-aral mabuti para sa future mo,” ani niya sa kanyang Facebook post.
Ang anunsyo ay agad kumalat sa social media, na may daan-daang reaksyon, pagbabahagi, at komento mula sa mga magulang, estudyante, at guro. Habang may ilang nadismaya sa pagbabalik ng klase, marami rin ang nagpahayag ng suporta at pag-unawa sa desisyon ng lokal na pamahalaan.
Ang balitang ito ay mahalagang paalala sa kahalagahan ng maagap na pag-anunsyo ng mga lokal na pamahalaan sa panahon ng pabago-bagong lagay ng panahon. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang monitoring ng mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng residente ng Quezon Province.
Ulat mula kay Robel Almoguerra