Diskurso PH
Translate the website into your language:

Wala umanong alam si VP Sara kundi siraan si BBM ayon kay Castro

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-02 00:20:00 Wala umanong alam si VP Sara kundi siraan si BBM ayon kay Castro

MANILA — Pumalag si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro sa sunod-sunod na batikos ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Castro, halata umano na imbes na makipagtulungan, puro paninira na lang ang ginagawa ng Bise Presidente laban sa Punong Ehekutibo.

“Ang tanging lang po yata niyang [VP Sara] alam ay sirain ang Pangulong Marcos Jr.,” ani Castro sa kanyang pahayag.

Giit ng opisyal, sa halip na tumulong sa mga positibong programa at reporma ng administrasyon, tila mas pinipili ni Duterte na maglabas ng kritisismo na nagdudulot lamang ng pagkakahati-hati.

Umaasa ang publiko na makikita sa dalawang pinakamataas na lider ng bansa ang pagkakaisa at pagtutulungan, lalo na sa harap ng mga isyung kinahaharap ng bansa. Sa halip, mas nagiging tampok umano ang iringan na nagdudulot ng agam-agam sa taumbayan.

Samantala, hindi pa naglalabas ng opisyal na tugon ang kampo ni VP Sara Duterte kaugnay ng pahayag ni Castro.

Ang patuloy na bangayan sa pagitan ng Bise Presidente at ng administrasyon ay nananatiling mainit na usapin sa politika, na inaabangan ng publiko kung saan hahantong. (Larawan: Wikipedia / Google)