Sakristan namatay sa leptospirosis kakahanap sa amang nahuli dahil sa kara y kruz
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-08-04 17:20:53
MANILA — Isang malungkot na kwento ng kabataan ang gumising sa publiko sa mga epekto ng lumang batas sa sugal at kawalan ng hustisya sa mga mahihirap. Si Dion Angelo “Gelo” Dela Rosa, 20 taong gulang, isang altar server at estudyante ng Human Resource Services sa Malabon City College, ay pumanaw noong Hulyo 27 dahil sa leptospirosis matapos maglakad sa maruming baha upang hanapin ang kanyang amang nawawala.
Ayon kay Cardinal Pablo Virgilio David, obispo ng Kalookan, si Gelo ay araw-araw na lumusong sa baha upang maghanap ng impormasyon tungkol sa kanyang ama, na kalaunan ay natuklasang nakakulong sa isang presinto sa Caloocan City. Ang dahilan ng pagkakaaresto: paglalaro ng “kara y krus,” isang simpleng sugal gamit ang barya, na ipinagbabawal sa ilalim ng Presidential Decree No. 1602 na ipinatupad pa noong 1978.
“On Sunday night, July 27, the young man who had been the pillar of hope for his family passed away. The cause: leptospirosis, a disease caused by rat urine in the dirty floodwaters he had waded through in search of his father, who had been arrested for kara y krus,” ayon kay Cardinal David sa kanyang Facebook post.
Ang ama ni Gelo ay inaresto nang walang warrant at hindi agad ipinaalam sa pamilya ang kanyang kinaroroonan. Ang piyansa na itinakda ay P30,000—isang halagang imposible para sa kanilang pamilya. Dahil dito, si Gelo ay araw-araw na naglakad sa baha upang dalhan ng pagkain ang ama at ayusin ang kaso nito.
Hindi nakaligtas si Gelo sa sakit na leptospirosis, na nakuha niya sa maruming tubig baha. Siya ay natagpuang walang buhay ng kanyang tatlong taong gulang na kapatid.
Kinondena ni Cardinal David ang hindi pantay na pagpapatupad ng batas laban sa sugal. “Yet decades later, not a single major gambling lord has been arrested. The poor remain the only victims of this law — just like during the Tokhang days, when quotas on drug suspects became the ticket for promotion,” aniya.
Binatikos din niya ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pagtaguyod ng online gambling. “Here lies the painful irony: while the poor are being charged for playing kara y krus, we are powerless against the biggest operator of the gambling business today through online gambling: the government itself, through Pagcor,” dagdag ni David.
Ang insidente ay nagdulot ng panawagan mula sa Simbahang Katolika at ilang mambabatas na muling suriin ang mga batas ukol sa sugal, lalo na ang epekto nito sa mahihirap. “How many more Gelo’s must die before we confront the systemic injustices that not only destroy livelihoods but also take the very lives of our fellow citizens?” tanong ni Cardinal David.
Ang pagpanaw ni Gelo ay nagsilbing paalala sa lipunan na ang batas ay dapat magsilbi sa katarungan, hindi sa diskriminasyon.
Larawan mula kay Pablo Virgilio David