Diskurso PH
Translate the website into your language:

Mayor ng Legazpi City, hinikayat at pinaalalahanan ang mga bibisita sa Legazpi Boulevard ng ‘clean as you go’

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-23 00:26:33 Mayor ng Legazpi City, hinikayat at pinaalalahanan ang mga bibisita sa Legazpi Boulevard ng ‘clean as you go’

LEGAZPI CITY — Hinikayat ni Mayor Hisham Ismail ang lahat ng bumibisita sa Legazpi Boulevard na magsagawa ng “Clean as You Go” practice upang mapanatiling malinis at kaaya-aya ang paboritong pasyalan ng lungsod.

Ayon sa alkalde, simple ngunit epektibong hakbang ang pagdadala at tamang pagtatapon ng basura upang maiwasan ang tambak ng kalat, lalo na’t isa ang boulevard sa pinakasikat na lugar na dinadayo ng mga turista at lokal na residente.

Bilang suporta sa nasabing kampanya, inihahanda na rin ng Lokal na Pamahalaan ng Legazpi ang paglalagay ng malalaking trash bins sa kahabaan ng boulevard. Layunin nitong hikayatin ang publiko na madaling maitapon nang maayos ang kanilang basura at tulungan ang siyudad na mapanatili ang kalinisan nito.

“Ang kalinisan ng Legazpi Boulevard ay kalinisan din ng lungsod. Kung sama-sama tayong makikiisa sa simpleng disiplina ng Clean as You Go, mas magiging maayos, ligtas, at maganda ang karanasan ng lahat ng bumibisita”

Umaasa ang pamahalaang lokal na ang naturang hakbang ay magsisilbing inspirasyon upang ipatupad din ang parehong disiplina sa iba pang pampublikong lugar ng Legazpi City. (Larawan: Mayor Hisham Ismail / Fb)