Korina Sanchez napikon kay Vico Sotto: "walang katotohanan ang 10M PF, Cyber Libel 'yan!"
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-08-29 10:00:15
Manila — Umalma si veteran broadcaster Korina Sanchez matapos ang viral post ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nagsabing may umano’y ₱10 milyon na placement fee kapalit ng kanyang panayam sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya.
Ayon sa kampo ni Korina, "walang katotohanan" ang naturang paratang at malinaw itong naglalaman ng paninira na maaaring ikonsidera bilang cyber libel.
“The post is false, misleading, malicious, and slanderous. It will constitute cyber libel,” ayon sa opisyal na pahayag ng kanyang production team.
Noong Agosto 21, nag-post si Mayor Vico sa kanyang Facebook page ng screenshots ng interview ng mag-asawang Discaya sa programang hosted nina Korina Sanchez at Julius Babao. Sa naturang post, nagbigay siya ng hinala na maaaring may pera kapalit ang segment — partikular ang halagang ₱10 milyon.
“Bago tanggapin ng mga kilalang journalists ang alok para mag interview ng Contractor na pumapasok sa politika,hinde ba nila naisip na “uy teka, ba’t kaya handa to magbigay ng 10M, para lang magpa-interview sa akin?’
Agad itong umani ng reaksyon online, lalo na’t si Sarah Discaya ay napabalitang tatakbong mayoral candidate sa kanilang bayan.
“There is no such thing as a 10 million placement for an interview. This clearly constitutes cyber libel” sambit ni Korina
Mariing itinanggi ng kampo ni Korina ang naturang alegasyon. Nilinaw nila na ang feature tungkol sa mag-asawa ay bahagi lamang ng lifestyle at human-interest content ng kanilang programa, at wala silang natanggap na anumang bayad.
Dagdag pa ng kanilang panig, wala ring direktang pakikipag-ugnayan ang production team sa mga Discaya tungkol sa politika. Anila, hindi nila alam na may planong tumakbo sa pulitika si Sarah hanggang sa mismong araw ng pagpi-film ng episode.
Dahil sa umano’y paninira ng reputasyon, binigyang-diin ng grupo ni Korina na maaari itong mauwi sa kaso ng cyber libel laban sa alkalde.
Samantala, nananatiling tikom ang panig ni Mayor Vico hinggil sa posibilidad ng legal action na binabalak ng kampo ni Korina.
Nagbukas ang isyung ito ng panibagong diskusyon sa publiko tungkol sa media ethics at kung paano tinatrato ng mga mamamahayag ang kanilang mga panayam — lalo na kung sangkot ang mga personalidad na may kaugnayan sa politika.
larawan/google