Criminal at admin cases laban kay Zaldy Co,inirekomenda ng ICI
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-10-07 18:06:14
MANILA — Inirekomenda ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) ang pagsasampa ng criminal at administrative cases laban kay House Appropriations Committee Chairperson Zaldy Co, kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood control projects na pinondohan sa ilalim ng 2023 at 2024 national budgets.
Ayon sa ulat ng ICI na isinumite sa Senate Blue Ribbon Committee, may “substantial basis” upang imbestigahan si Co sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials, at Revised Penal Code provisions on falsification and abuse of authority.
“There is compelling evidence that Rep. Zaldy Co exercised undue influence in the allocation and implementation of flood control projects in Region V and other areas,” ayon sa bahagi ng ulat ng ICI. Idinagdag pa ng komisyon na may mga proyekto umanong pinondohan nang walang sapat na feasibility study, at ipinasa sa mga kumpanyang may koneksyon sa mga kaalyado sa pulitika.
Kabilang sa mga tinukoy ng ICI ang ₱2.3 bilyong halaga ng proyekto sa Albay, na isinagawa ng kumpanyang St. Gerrard Construction, na konektado sa Discaya couple, na una nang iniimbestigahan sa Senado. Ayon sa audit, may mga proyekto umanong fully paid ngunit walang aktwal na konstruksyon, at may mga dokumentong palsipikado.
Mariin namang itinanggi ni Co ang mga alegasyon. “I have never intervened in any project implementation. All funds were allocated through legal and transparent processes,” ani Co sa isang pahayag. Dagdag pa niya, handa siyang makipagtulungan sa anumang imbestigasyon at magharap ng ebidensya upang linisin ang kanyang pangalan.
Samantala, sinabi ni Senate Blue Ribbon Chairperson Francis Tolentino na isusumite ang rekomendasyon ng ICI sa Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) para sa mas malalim na pagsusuri. “We owe it to the Filipino people to ensure that every peso spent on infrastructure is accounted for,” ani Tolentino.
Patuloy ang pagdinig ng Senado sa mga anomalya sa flood control projects, kung saan mahigit ₱200 bilyon ang sinasabing sangkot sa mga iregularidad sa buong bansa.