Diskurso PH
Translate the website into your language:

GOCC employees makakatanggap ng dagdag sahod at allowance

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-09-16 18:59:46 GOCC employees makakatanggap ng dagdag sahod at allowance

MANILA — Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-apruba sa bagong salary adjustments at medical benefits para sa mga empleyado ng Government-Owned or Controlled Corporations (GOCCs), bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Sa kanyang talumpati sa 2025 GOCCs’ Day sa Malacañang, sinabi ng Pangulo: “In support of the hardworking men and women who make this possible, I have approved the Compensation and Position Classification System II that would increase the salaries of GOCC employees. I have also approved the provision of a tiered medical allowance for GOCC employees depending on the capacity of the GOCCs”.

Ang bagong sistema ng kompensasyon, tinatawag na CPCS II, ay magbibigay ng mas mataas na sahod at medical allowance na naka-base sa kapasidad ng bawat GOCC. Para sa mga korporasyong nauna nang nagpatupad ng CPCS I, ang mga dagdag na benepisyo ay magiging retroactive mula Enero 1, 2025, sa sandaling matanggap nila ang Authority to Implement mula sa Governance Commission for GOCCs (GCG).

“Dahil sa inyong determinasyon at malasakit, mas maraming Pilipino ang ating natutulungan at naaabot ng ating mga serbisyo,” dagdag ni Marcos, habang pinuri ang mga GOCC sa kanilang kontribusyon sa Bagong Pilipinas vision.

Ayon sa Department of Finance, umabot sa ₱116.84 bilyon ang dividend remittances mula sa 53 GOCCs ngayong taon, kung saan 15 sa kanila ay nag-remit ng hindi bababa sa ₱1 bilyon bawat isa. Ang mga pondong ito ay ginagamit sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, ospital, imprastruktura, at mga programang panlipunan.

Hinimok din ng Pangulo ang mga GOCC na magpatuloy sa modernisasyon, digital transformation, at pagsugpo sa red tape. “My challenge to our GOCCs is to invest in modern technology, simplify our processes, and cut down on red tape so that every Filipino enjoys easy, fair, and dignified access to the services that they deserve,” ani Marcos.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na reporma ng administrasyon upang palakasin ang kakayahan ng pampublikong sektor at tiyaking may patas na pagkilala sa mga manggagawang lingkod-bayan.