Diskurso PH
Translate the website into your language:

Signal No. 1, nakataas sa ilang lugar sa Luzon dahil sa bagyong Mirasol

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-09-16 21:05:59 Signal No. 1, nakataas sa ilang lugar sa Luzon dahil sa bagyong Mirasol

Setyembre 16, 2025 – Nakataas na ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa ilang bahagi ng Luzon bunsod ng pananalasa ng Bagyong Mirasol, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Setyembre 16.


Batay sa 5:00 PM advisory ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 210 kilometro silangan-hilagang silangan ng Infanta, Quezon. Taglay nito ang lakas ng hanging 55 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot hanggang 70 kph, habang kumikilos pa-northwest sa bilis na 25 kph.


Una nang iniulat na mula sa low pressure area (LPA), tuluyan nang naging tropical depression ang nasabing sama ng panahon dakong alas-dos ng hapon.


Mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1:

Batanes

Cagayan kabilang ang Babuyan Islands

Isabela

Quirino

Hilagang-silangan ng Nueva Vizcaya (Diadi, Quezon, Kasibu, Dupax del Norte, Bambang, Ambaguio, Bayombong, Solano, Villaverde, Bagabag)

Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler)

Apayao

Kalinga

Abra

Mountain Province

Ifugao

Ilocos Norte

Polillo Islands

Hilagang bahagi ng Camarines Norte (Vinzons, Capalonga, Jose Panganiban, Paracale, Talisay, Daet, Mercedes)

Hilagang-silangan ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Lagonoy, Siruma, Tinambac, Goa, San Jose)

Catanduanes

Pinapaalalahanan ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar na maging mapagmatyag sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga mababang lugar at bulubunduking bahagi ng Luzon.


Patuloy namang inaasahang magdadala ng ulan at malakas na hangin ang bagyo habang ito ay patungong hilagang bahagi ng bansa.

Larawan mula sa PAGASA