Walang pasok sa buong Laguna dahil sa bagyong Mirasol — Pahayag ni Gov. Sol Aragones
Ana Linda C. Rosas Ipinost noong 2025-09-16 20:37:15
LAGUNA, Pilipinas — Inanunsyo ni Laguna Governor Marisol Sol Aragones ang suspensyon ng lahat ng klase sa buong lalawigan sa pampubliko at pribadong eskwelahan-dahil sa paparating na Bagyong Mirasol. Nagpahayag si Gobernador Aragones sa isang Facebook Live announcement.
Binigyang-diin ni Gov. Aragones na ang pangunahing batayan ng kanyang desisyon ay ang kaligtasan ng mga kabataan, guro, mga estudyante, at ng lahat ng residente sa Laguna. Ipinahayag niya na mas maiging mag-handa muna kaysa magkulang sa responsibilidad sa panahon ng nakakapinsalang panahon.
Sinabi rin niya na inaasahang magdudulot ang Mirasol ng malakas na pag-ulan, pagbaha sa mabababang lugar, at malalakas na hangin, lalo na sa mga coastal at low-lying barangay ng Laguna. Sa ganitong kondisyon, malaki ang posibilidad ng panganib sa mga mag-aaral at guro, kaya’t napagdesisyunan ang “zero pasok” policy para sa lahat ng antas ng edukasyon.
Ayon sa huling ulat ng PAGASA ang Mirasol ay na-upgrade bilang tropical depression noong alas-2:00 ng hapon, Setyembre 16, mula sa isang low pressure area sa silangan ng Quezon. Mayroon itong maximum sustained winds na 55 km/h sa paligid ng gitna, at may mga bugso ng hangin na hanggang 70 km/h. Gumagalaw ang bagyo patungong hilaga-kanluran (northwestward) sa bilis na 25 km/h.
Kasabay nito ang payo ng Gobernadora sa mga Lagunense ang ibayong pagiingat at hiling na iupdate sa anumang kalagayan ng bawat bayan. Upang ang tulong ng kanyang tanggapan ay maipagkaloob ng agaran.
Larawan/ Sol Facebook page