Diskurso PH
Translate the website into your language:

Notoryus na magnanakaw sa Gumaca, Quezon; Arestado!

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-19 19:58:29 Notoryus na magnanakaw sa Gumaca, Quezon; Arestado!

GUMACA, QUEZON — Nasakote ng mga awtoridad ang isang notoryus na magnanakaw sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Panikihan, Gumaca, Quezon.

Kinilala ang suspek na dati nang tumakas mula sa New Bilibid Prison habang nagsisilbi ng sentensiya sa kasong homicide. Ayon sa pulisya, matagal nang minamanmanan ang kilos ng lalaki dahil sa patuloy na pagkakasangkot umano nito sa ilegal na gawain sa kanilang lugar.

Sa operasyon, narekober mula sa suspek ang hinihinalang iligal na droga, isang improvised shotgun, at apat na piraso ng bala.

Nahaharap ngayon ang suspek sa panibagong mga kaso kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, bukod pa sa dati niyang kinahaharap na kaso ng homicide.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy kung may iba pa itong kasamahan o koneksyon sa mas malawak na grupo ng mga kriminal sa Quezon. (Larawan: PMAJ Arjon Oxina)