Diskurso PH
Translate the website into your language:

Atty. Jimmy Bondoc, naniniwalang uunlad ang bansa kapag si VP Sara na ang Presidente?

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-22 00:08:36 Atty. Jimmy Bondoc, naniniwalang uunlad ang bansa kapag si VP Sara na ang Presidente?

MANILA — Nagbigay ng buong suporta si singer-lawyer Jimmy Bondoc kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng posibilidad na siya ang legal na humalili bilang pinuno ng bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Bondoc na may kakayahan at integridad si Duterte upang pamunuan ang bansa kung sakaling dumating ang pagkakataon. “Sara Du30 is a good, honest leader. Do not believe the bad forecasts in case she legally takes over. JUST IN CASE that happens, the whole country will prosper. Even you. God bless us all,” ani Bondoc.

Dagdag pa ng dating opisyal ng PAGCOR, tiwala siyang makakayanan ni Duterte ang mabigat na responsibilidad at na makikinabang ang bawat Pilipino kung siya ay mauupo.

Ang kanyang pahayag ay umani ng iba’t ibang reaksyon online. May mga netizen na sumang-ayon at nagpahayag ng suporta sa Vice President, samantalang ang iba nama’y nagduda at nanawagan na sa halip ay pagtuunan ng pansin ang kasalukuyang laban kontra korapsyon at mga isyu sa pamahalaan.

Sa kabila nito, nanindigan si Bondoc sa kanyang panawagan: “Let her be the one.” (Larawan: Jimmy Bondoc / Fb)