Diskurso PH
Translate the website into your language:

Bangkay ng sanggol na babae, natagpuan sa isang dump site sa Palawan

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-22 00:52:25 Bangkay ng sanggol na babae, natagpuan sa isang dump site sa Palawan

PUERTO PRINCESA Isang nakaririmarim na tagpo ang nadiskubre sa Sanitary Landfill ng lungsod nitong gabi ng Sabado, September 20, 2025, matapos matagpuan ang bangkay ng isang sanggol na babae.

Ayon sa ulat ng pulisya, isang basurero ang nakakita sa sanggol na nakabalot sa tela at iniwan sa bahagi ng tambakan ng basura. Agad itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad na mabilis namang rumesponde sa lugar.

Kinumpirma ng City Police Station na wala nang buhay ang sanggol nang ito’y matagpuan. Patuloy pang inaalam kung buhay pa ba ito bago itinapon, o kung saan at paano ito napunta sa sanitary landfill.

Lubos na ikinabahala ng mga residente ang insidente. Marami ang nanawagan ng hustisya at nanindigang hindi dapat ipagsawalang-bahala ang ganoong kalunos-lunos na pangyayari. Ayon sa ilang netizens, ito ay sumasalamin sa kakulangan ng proteksyon para sa mga walang laban na sanggol.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng sanggol at ang posibleng may kagagawan ng pag-abandona. Nanawagan din ang pulisya sa sinumang may impormasyon na makipagtulungan upang mabigyan ng katarungan ang inosenteng bata. (Larawan: 104.7 XFM Palawan / Fb)