Diskurso PH
Translate the website into your language:

Cong. Zaldy Co, Nagbabala, ‘kung pipilitin niyo akong umuwi, magreresign ako’

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-22 01:29:43 Cong. Zaldy Co, Nagbabala, ‘kung pipilitin niyo akong umuwi, magreresign ako’

MANILA Naglabas ng matapang na pahayag si Congressman Zaldy Co sa kanyang social media account nitong Lunes, kaugnay ng isyu sa kanyang pag-alis ng bansa habang ginagamot sa karamdaman.

Ayon kay Co, hindi makatarungan na pilitin siyang bumalik ng Pilipinas habang siya ay nasa gitna ng pagpapagaling sa ibang bansa. Aniya, walang sapat na kakayahan ang bansa para tugunan ang kanyang partikular na kondisyon.

"If you will force me to go back to the Philippines, I will resign. That travel clearance is only valid for my position as congressman, so if I resign, you can't force me to go back," ani Co. Dagdag pa niya, malinaw ang kanyang konsensya at wala siyang tinatakbuhan.

Nilinaw ng kongresista na babalik din siya ng bansa sa tamang oras at pinakiusapan ang publiko at mga kritiko na huwag magmadali. “Uuwi ako at hindi ako tumatakbo dahil malinis ang konsensya ko,” giit pa niya.

Samantala, umani ng iba’t ibang reaksiyon online ang kanyang pahayag. May ilan na nagpahayag ng simpatya sa kanyang sitwasyon, ngunit marami ring nagduda at nagsabing dapat siyang humarap sa kanyang tungkulin at ipaliwanag nang direkta sa kanyang mga kababayan ang tunay na kalagayan. (Larawan: Rep. Zaldy Co / Fb)